Friday, June 5, 2020

Ang Mabuting Balita para sa Hunyo 6, Sabado; Ikasiyam na Linggo ng Taon: Marcos 12:38-44


Mabuting Balita: Marcos 12:38-44
38 Sinabi ni Jesus sa kanyang pag­­tuturo: “Mag-ingat kayo sa mga guro ng Batas na gustong lumakad na nakaba­rong at batiin ng mga tao sa liwasan, 39 at mabigyan ng panguna­hing lugar o upuan sa mga handaan at sa sinagoga. 40 Nang-uubos sila ng mga bahay ng mga biyuda, at nagda­rasal nang mahaba para may idahilan. Napakatindi ng magiging hatol sa mga ito.”
Ang abuloy ng biyuda

41 Naupo si Jesus sa tapat ng kabang-yaman at tiningnan ang pag­hu­hulog ng mga tao ng pera para sa Tem­plo. Mara­ming mayamang nagbi­gay ng mala­laking halaga. 42 At may dumating na isang po­breng biyuda na naghulog ng dalawang barya.

43 Kaya tinawag ni Jesus ang kanyang mga alagad at sinabi sa kanila: “Talagang sinasabi ko sa inyo na pina­kama­halaga sa lahat ang inihulog ng biyudang ito sa kabang-yaman. 44 Nag­hulog nga ang lahat mula sa sobra nila, ngunit siya nama’y mula sa kanyang kasalatan. Ini­hulog nga niya ang lahat ng nasa kanya – ang mismong ikabu­buhay niya.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

No comments: