Mabuting
Balita: Marcos 12:28-34
28 May
isang guro ng Batas na nakarinig sa pagtatalo nila. Nang mapansin niyang
tama ang sagot ni Jesus sa mga Sadduseo, lumapit siya at nagtanong kay Jesus:
“Ano ang una sa lahat ng utos?” 29 Sumagot si Jesus na “Ito ang una: Makinig
nawa, O Israel! Iisa lang ang Panginoong ating Diyos. 30 At mamahalin mo
ang Panginoon mong Diyos nang buo mong puso, nang buo mong kaluluwa, nang buo
mong pag-iisip at nang buo mong lakas.
31At pangalawa
naman ito: Mamahalin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili. Wala nang utos na
mas mahalaga pa kaysa mga ito.” 32 Kaya sinabi ng guro ng Batas: “Mabuti,
Guro, totoo ang sinabi mong isa Siya at wala na maliban sa kanya. 33 At
ang mahalin siya nang buong puso at nang buong kaluluwa at nang buong lakas, at
mahalin din ang kapwa gaya ng sarili ay mas mahalaga kaysa mga sinunog na
handog at mga alay.”
34 Nakita
ni Jesus na tama ang sinabi nito kaya sinabi niya: “Hindi ka malayo sa kaharian
ng Diyos.” At wala nang nangahas magtanong sa kanya.
Ang Mabuting
Balita ng Panginoon.
No comments:
Post a Comment