Monday, June 29, 2020

Ang Mabuting Balita para sa Hunyo 30, Martes; Ika-13 Linggo ng Taon: Mateo 8:23-27


Mabuting Balita: Mateo 8:23-27
23 Sumakay si Jesus sa bangka at sumunod sa kanya ang mga alagad niya. 24 Walang anu-ano’y nagkaroon ng mala­kas na bagyo sa lawa at parang matata­bunan na ng mga alon ang bangka. Ngunit tulog si Jesus.

25 Ginising siya nila na sumisigaw: “Panginoon, saklolo! Mamamatay tayo!” 26 At sinabi ni Jesus:  “Ba’t kayo natatakot, kayong napakaliit ng paniwala?” Buma­ngon siya at inutusan ang mga alon at hangin, at tumahimik ang lahat. 27 Nagulat ang mga tao at sinabi nila: “Anong klaseng tao ito? Sumusunod sa kanya pati mga hangin at dagat.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

No comments: