Tuesday, June 2, 2020

Ang Mabuting Balita para sa Hunyo 3, Miyerkules; San Carlos Lwanga at mga Kasama mga Martir: Marcos 12:18-27


Mabuting Balita: Marcos 12:18-27
18 Lumapit naman kay Jesus ang mga Sadduseo. Sinasabi ng mga ito na walang pagkabuhay na muli, kaya nag­tanong sila: 19 “Guro, isinulat ni Moises para sa amin: ‘Kung may mga magka­kapatid na lalaki at mamatay na wa­lang anak ang isa sa kanila, kaila­ngang kunin ng kanyang kapatid ang kanyang asawa upang magpasibol ng sup­ling sa kanyang kapatid.’ 20 Nga­yon, may pitong magka­kapatid. Nag-asawa ang panganay at namatay na walang anak. 21Kaya kinuha ng ika­lawa ang kanyang asawa, at namatay ring wa­lang anak. Ganito rin ang nangyari sa pangatlo. 22 Silang pito nga ay na­ma­tay nang hindi nagkaanak. At sa huli’y na­matay din ang babae. 23 Nga­yon, sa muling pagkabuhay, kung mabu­buhay silang muli, kanino sa pito siya magiging asawa? Ang pito nga ang umangkin sa kanya.”

24 Sumagot si Jesus: “Di kaya bunga ng di ninyo pagkaunawa sa Kasulatan at sa kapangyarihan ng Diyos ang inyong pag­kakamali? 25 Sa muling pagkabuhay nga nila, hindi na mag-aasawa ang lalaki o babae kundi para na silang mga anghel sa Langit.

26 At tungkol naman sa mga patay at sa muling pagkabuhay, hindi ba ninyo inu­nawa ang sinabi sa inyo ng Diyos sa aklat ni Moises, sa kabanata ng palum­pong: Ako ang Diyos ni Abraham, ang Diyos ni Isaac at ang Diyos ni Jacob? 27 Hindi siya Diyos ng mga patay kundi ng mga buhay. Maling-mali kayo.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

No comments: