Saturday, June 20, 2020

Ang Mabuting Balita para sa Hunyo 22, Lunes; Ika-12 Linggo ng Taon: Mateo 7:1-5


Mabuting Balita: Mateo 7:1-5
Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad: 1 Huwag humatol at hindi kayo hahatulan. 2 Kung paano kayo humatol sa inyong kapwa, gayon din kayo hahatulan, at susukatin kayo sa sukatang ginamit ninyo. 3 Bakit mo tini­tingnan ang puwing sa mata ng iyong kapatid? At di mo pansin ang troso sa iyong mata. 4 Paano mo masasabi sa iyong kapatid: ‘Halika, at aalisin ko ang puwing sa iyong mata,’ kung may troso naman sa iyong mata? 5 Mapag­kunwari! alisin mo muna ang troso sa iyong mata, at saka mo makikita kung paano aalisin ang puwing sa mata ng iyong kapatid.
  
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

No comments: