Mabuting
Balita: Marcos 12:13-17
13 Gusto
nilang hulihin si Jesus sa sarili niyang mga salita. Kaya pinapunta kay Jesus
ang ilan sa mga Pariseo kasama ng mga kampi kay Herodes. 14 Nilapitan
nila siya at sinabi: “Guro, nalalaman naming tapat ka at hindi napadadala sa
iba. Hindi ka nagsasalita ayon sa kalagayan ng tao kundi tunay na itinuturo
ang daan ng Diyos. Kaya ayon ba sa Batas na magbayad ng buwis sa Cesar?”
15 Nang
makita ni Jesus ang kanilang pagkukunwari, sinabi niya sa kanila: “Bakit ninyo
ako sinusubok? Akin na ang isang denaryo.” 16 Iniabot nila sa kanya ang
isang denaryo at sinabi sa kanila ni Jesus: “Sino ang nakalarawan dito, na narito
rin ang kanyang pangalan?” Sumagot sila: “Ang Cesar.” 17 At sinabi niya
sa kanila: “Ibigay nga sa Cesar ang para sa Cesar, at sa Diyos ang para sa
Diyos.” Lubha silang namangha sa kanya.
Ang Mabuting
Balita ng Panginoon.
No comments:
Post a Comment