Monday, June 15, 2020

Ang Mabuting Balita para sa Hunyo 17, Miyerkules; Sa Ika-11 Taon: Mateo 6:1-6, 16-18


Mabuting Balita: Mateo 6:1-6, 16-18
1 Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad  pag-ingatang huwag maging pakitang-tao lamang ang in­yong mabubuting gawa. Kung ganito ang ga­gawin ninyo, wala na kayong gantimpala sa inyong Amang nasa langit. 2 Kaya pag nagbibigay ka ng limos, huwag pahipan ang trumpeta sa unahan gaya ng gina­gawa ng mga mapagkunwari sa sinagoga at sa mga daan; gusto nilang mapuri ng mga tao. Sinisiguro ko sa inyo na nagan­timpala­an na sila nang husto.

3 Kaya kung ikaw naman ang magbi­bigay ng limos, huwag ipaalam sa iyong kaliwang kamay ang ginagawa ng iyong kanang kamay; 4 at mananatiling lihim ang iyong pagli­limos at ang iyong Amang nakakakita sa mga lihim ang siyang ga­gantimpala sa iyo.

5 Kung mananalangin kayo, huwag nin­yong tularan ang mga mapagkunwari. Gustung-gusto nilang tumayo sa mga sinagoga o sa mga daan para manala­ngin nang nakikita ng marami. Sinisi­guro ko sa inyo na nagantimpa­laan na sila nang husto. 6 At kung ikaw naman ang mana­nalangin, pumasok sa iyong silid, isara ang pinto at mana­langin sa iyong Ama na kasama mo nang lihim; at ang iyong Ama na naka­kakita sa ipinag­lilihim ang gagantimpala sa iyo.

16 Pag mag-aayuno kayo, huwag magpakita ng lungkot sa mukha gaya ng mga mapagkunwari. Nagpapakita sila ng lungkot sa mukha para makita ng tao na nag-aayuno sila. Talagang sinasabi ko sa inyo na nagantimpalaan na sila nang husto. 17 Kung ikaw naman ang mag-aayuno, maghilamos at ayusin ang sarili 18 sapagkat hindi ka nag-aayuno para pakitang-tao lamang kun­di para sa iyong Amang naka­kakita sa lahat. At gagantimpalaan ka ng iyong Amang nakakakita sa lahat ng lihim.
  
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

No comments: