Mabuting
Balita: Matthew 9:14-17
14 Noo’y lumapit
kay Jesus ang mga alagad ni Juan at nagtanong: “May araw ng ayuno kami at ang
mga Pariseo, at wala bang pag-aayuno ang iyong mga alagad?” 15 Sinagot sila ni Jesus: “Puwede
bang magluksa ang mga abay sa kasalan habang kasama pa nila ang nobyo? Darating
ang panahon na aagawin sa kanila ang nobyo at sa araw na iyon sila mag-aayuno.
16 Walang
magtatagpi ng bagong pirasong tela sa lumang balabal sapagkat uurong ang tagpi
at lalo pang lalaki ang punit. 17 At
hindi ka rin naman maglalagay ng bagong alak sa mga lumang sisidlan. Kung
gagawin mo ito, puputok ang mga sisidlan at matatapon ang alak at masisira rin
ang mga sisidlan. Sa bagong sisidlan dapat ilagay ang bagong alak; sa gayo’y
pareho silang tatagal.”
Ang Mabuting
Balita ng Panginoon.
No comments:
Post a Comment