Sunday, May 03, 2020

Ang Mabuting Balita para sa Mayo 4, Lunes sa Ikaapat na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay : Juan 10:11-18


Mabuting Balita: Juan 10:11-18
Sinabi ni Jesus 11 Ako siyang mabuting pastol. Nag-aalay ng kanyang buhay alang-alang sa mga tupa ang mabuting pastol. 12 Ang upa­han at hindi pastol, na hindi naman kanya ang mga tupa, pag napansin ni­yang duma­rating ang asong-gubat, ini­iwan niya ang mga tupa at tumatakas. Kayat inaagaw ng asong-gubat ang mga ito at pinanga­ngalat. 13 Sapagkat upahan siya at wala siyang pakialam sa mga tupa. 14 Ako siyang mabuting pastol. Kilala ko ang mga akin at kilala ako ng mga akin, 15 kung paanong kilala ako ng Ama at kilala ko ang Ama. At iti­nayo ko ang aking buhay para sa mga tupa.”

16 May iba akong mga tupa na di mula sa kulungang ito. Maging sila ay kaila­ngan kong akayin palabas, at maki­kinig sila sa tinig ko at magka­karoon ng iisang kawan, iisang pastol. 17 Kaya mahal ako ng Ama dahil itina­taya ko ang aking buhay, at saka muli ko itong kukunin. 18 Walang nag-aalis nito sa akin, kundi ako ang ku­sang nagtataya nito. May kapang­yari­han akong itayo ito, at may kapang­­yarihan akong kunin itong muli. Ito ang utos na tinanggap ko mula sa aking Ama.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

No comments: