Friday, May 29, 2020

Ang Mabuting Balita para sa Mayo 30, Sabado sa Ikapitong Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay: Juan 21:20-25


Mabuting Balita: Juan 21:20-25
20 Paglingon ni Pedro, nakita niyang sumusunod ang alagad na mahal ni Jesus, na siyang humilig sa tabi niya noong hapunan at nagsabing: “Pangi­noon, sino ba ang magkakanulo sa iyo?” 21 Kaya pag­kakita rito ni Pedro, sinabi niya kay Jesus: “Panginoon, ano naman sa kanya?” 22 Si­na­bi sa kanya ni Jesus: “Kung loobin kong mamalagi siya hang­gang ako’y pu­ma­­rito, ano sa ’yo? Ikaw, sumunod ka sa akin!”

23 Dahil dito’y kumalat ang salitang ito sa mga kapatid na hindi mama­matay ang alagad na ito pero hindi naman sinasabi sa kanya ni Jesus na hindi siya mama­ma­tay kundi “Kung loobin kong mamalagi siya hanggang ako’y pumarito.”

24 Ito ang alagad na siyang nagpa­patunay tungkol sa mga bagay na ito at ang sumulat sa mga ito. At alam namin na totoo ang kanyang patunay. 25Ma­rami pa ring ibang ginawa si Jesus, na kung isa-isang masusulat ang mga iyon, sa tantiya ko’y hindi magkakasya sa mundo ang isusulat na mga aklat.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

No comments: