Wednesday, May 27, 2020

Ang Mabuting Balita para sa Mayo 29, Biyernes sa Ikapitong Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay: Juan 21:15-19


Mabuting Balita: Juan 21:15-19
15 Pagkapag-almusal nila, sinabi ni Jesus kay Simon Pedro: “Simon, anak ni Juan, mahal mo ba ako nang higit sa pagmamahal nila?” Sinabi nito sa kanya: “Oo, Panginoon, ikaw ang nakaaalam na iniibig kita.” Sinabi sa kanya: “Pakanin mo ang aking mga kordero.” 16 Sinabi sa kanyang maka­lawa: “Simon, anak ni Juan, mahal mo ba ako?” Sinabi nito sa kanya: “Oo, Panginoon, ikaw ang naka­aalam na iniibig kita.” Sinabi sa kanya: “Ipastol ang aking mga tupa.”

17 Sinabi sa kanyang makaitlo: “Simon, anak ni Juan, iniibig mo ba ako?” Nalungkot na si Pedro dahil ma­kaitlo siyang sinabihan: “Iniibig mo ba ako?” kaya sinabi niya: “Panginoon, ikaw ang nakaaalam ng lahat; alam mong iniibig kita.” Sinabi nito sa kan­ya: “Pakanin mo ang aking mga tupa.

18 Talagang-talagang sinasabi ko sa iyo, nang bata-bata ka pa, ikaw mismo ang nagbi­bigkis sa iyong sarili at palakad-lakad ka saan mo man naisin. Ngunit pag­tanda mo’y ididipa mo naman ang mga kamay mo, at iba ang mag­bibigkis sa iyo sa hindi mo nais.” 19 Sinabi ito ni Jesus sa pagbibigay-tanda sa paraan ng kamata­yang ipanlu­luwalhati ni Pedro sa Diyos. At pag­katapos nito ay sinabi niya: “Sumu­nod ka sa akin!”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

No comments: