Tuesday, May 26, 2020

Ang Mabuting Balita para sa Mayo 27, Miyerkules sa Ikapitong Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay: Juan 17:11b-19


Mabuting Balita: Juan 17:11b-19
Tumingala si Jesus sa langit at nagsabi 11 Wala na ako sa mundo ngunit nasa mundo pa sila habang pa­punta ako sa iyo. Amang banal, inga­tan mo sila sa iyong Pangalang ibinigay mo sa akin upang maging isa sila gaya natin. 12 Nang kasama nila ako, iningatan ko sila sa iyong Pangalang ibinigay mo sa akin, at pinangalagaan ko sila at wala sa kanilang napahamak liban sa nagpa­hamak sa kanyang sarili upang maganap ang kasulatan.

13 At ngayon, papunta ako sa iyo at sinasabi ko ang mga ito habang nasa mundo upang maganap sa kanila ang aking kaga­lakan. 14 Ibinigay ko sa kanila ang salita mo at napoot sa kanila ang mundo sapagkat hindi sila mula sa mundo gaya nang hindi ako mula sa mundo. 15 Hindi ko ipinapa­ki­usap na alisin mo sila sa mundo kundi pangalagaan mo sila sa masama.

16 Hindi sila mula sa mundo gaya nang hindi ako mula sa mundo. 17 Pabanalin mo sila sa katotohanan. Katotohanan ang sali­ta mo. 18 Kagaya nang ako’y sinugo mo sa mundo, sinu­go ko rin sila sa mundo. 19 At alang-alang sa kanila’y pinababanal ko ang aking salita upang pati sila’y pabanalin sa katotohanan.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

No comments: