Tuesday, May 19, 2020

Ang Mabuting Balita para sa Mayo 22, Biyernes sa Ikaanim na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay: Juan 16:20-23


Mabuting Balita: Juan 16:20-23
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: 20 Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo, iiyak kayo at tataghoy, at maga­galak naman ang mundo. Maninimdim kayo ngunit magiging kagalakan ang inyong paninimdim. 21 Naninimdim ang babaeng malapit nang manganak sa­pag­kat sumapit na ang kanyang oras. Ngunit pagkasilang sa sanggol, dahil sa galak ay hindi na niya naaalaala ang kagipitan: isang tao ang isinilang sa mundo.

22 Gayon nga rin kayo naninimdim ngayon. Ngunit muli ko kayong maki­kita at magagalak ang inyong puso, at walang makaaagaw ng inyong kaga­lakan sa inyo. 23 At sa araw na iyon, wala na kayong itatanong sa akin sapagkat talagang-tala­gang sinasabi ko sa inyo na ipagkakaloob sa inyo anumang hingin ninyo sa Ama sa Ngalan ko.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

No comments: