Mabuting
Balita: 16:5-11
Noong panahong
iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: 5 Ngayon nama’y papunta ako
sa nagpadala sa akin, at wala sa inyong nag-tatanong sa akin kung saan ako
papunta, 6 kundi tigib ng lungkot ang inyong puso dahil sinabi ko sa inyo
ang lahat ng ito.
7 Ngunit
sinasabi ko sa inyo ang katotohanan: makabubuti sa inyong ako’y umalis sapagkat
kung hindi ako aalis. hinding-hindi darating sa inyo ang Tagapagtanggol. Kung
aalis naman ako, ipadadala ko siya sa inyo. 8 At pagdating niya, hihiyain
niya ang mundo tungkol sa kasalanan, sa daan ng pagkamatuwid at sa paghatol.
9 Ito ang
kasalanan: hindi sila nananalig sa akin. 10 Ito ang daan ng pagkamatuwid:
sa Ama ako papunta, at hindi na ninyo ako mapapansin. 11 At hinatulan na
ang pinuno ng mundong ito: ito ang paghatol.
Ang Mabuting
Balita ng Panginoon.
No comments:
Post a Comment