Mabuting
Balita: Juan 15:26—16:4a
Noong panahong
iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: "Ngunit ang Patnubay, ang
Espiritu ng Katotohan, ang paparito mula sa Ama. Susuguin ko siya sa inyo buhat
sa Ama, at siya ang magpapatotoo tungkol sa akin. At magpapatotoo rin kayo
tungkol sa akin, sapagkat sa pasimula pa'y kasama ko na kayo.
"Sinasabi
ko ito sa inyo upang huwag kayong mawalan ng pananalig sa akin. Palalayasin
nila kayo sa mga sinagoga. Darating ang panahon na ang sinumang pumatay sa inyo
ay mag-aakalang naglilingkod siya sa Diyos. At gagawin nila ito sapagkat hindi
nila ako nakikilala ni ang Ama. Ito'y sinasabi ko sa inyo upang, pagdating ng
oras na gawin nila, maalaala ninyong ipinagpauna ko na ito sa inyo."
Ang Mabuting
Balita ng Panginoon.
No comments:
Post a Comment