Tuesday, May 12, 2020

Ang Mabuting Balita para sa Mayo 16, Sabado sa Ikalimang Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay: Juan 15:18-21


Mabuting Balita: Juan 15:18-21
Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad: 18 Kung napopoot sa inyo ang mundo, alamin n’yo na sa akin muna ito napoot bago sa inyo. 19 Kung kayo’y maka­mun­do, inibig na sana ng mundo ang sariling kanya. Ngunit dahil hindi kayo maka­mundo kundi hinirang ko kayo mula sa mundo kaya napopoot sa inyo ang mundo.

20 Tandaan ninyo ang salitang sinabi ko sa inyo: ‘Walang lingkod na mas dakila sa kanyang panginoon.’ Di ba’t inusig nila ako? Uusigin din kayo. Tinupad ba nila ang aking salita? Gayon din nila tutuparin ang sa inyo. 21 Gagawin nila sa inyo ang lahat ng ito dahil sa aking pangalan sapag­kat hindi nila nakikilala ang nagpa­dala sa akin.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

No comments: