Mabuting
Balita: Juan 15:9-17
Sinabi ni Jesus
sa kanyang mga alagad: 9 Kung paano ako minamahal ng Ama, gayon ko rin
kayo minahal. Mamalagi kayo sa pagmamahal ko. 10 Kung isasakatuparan
ninyo ang mga kautusan ko, mamamalagi kayo sa pagmamahal ko kung paanong isinakatuparan
ko ang mga kautusan ng aking Ama at namamalagi sa kanyang pagmamahal.
11 Sinabi
ko sa inyo ang mga ito upang mapasainyo ang aking kagalakan at maging ganap
ang inyong kagalakan. 12 Ito ang kautusan ko: magmahalan kayo kung paano
ko kayo minahal. 13 Wala nang pagmamahal na hihigit pa sa pag-aalay ng
sariling buhay alang-alang sa kanyang mga kaibigan.
14 Mga
kaibigan ko kayo kung ginagawa ninyo ang iniuutos ko sa inyo. 15 Hindi ko
na kayo tinatawag na mga lingkod sapagkat hindi alam ng lingkod ang ginagawa ng
kanyang panginoon.
Mga kaibigan
naman ang turing ko sa inyo sapagkat ipinagbibigay-alam ko sa inyo lahat ng
narinig ko mula sa aking Ama.
16 Hindi
kayo ang humirang sa akin, ako ang humirang sa inyo at nagtalaga sa inyo para
humayo at mamunga, at mamalagi ang inyong bunga. At ipagkakaloob sa inyo
anumang hingin n’yo sa Ama sa pangalan ko. 17 Iniuutos ko nga sa inyo:
magmahalan kayo.
Ang Mabuting
Balita ng Panginoon.
No comments:
Post a Comment