Mabuting
Balita: Juan 15:1-8
Sinabi ni Jesus
sa kanyang mga alagad: 1 “Ako siyang totoong puno ng ubas at ang Ama ko ang
mag-sasaka. 2 Pinuputol niya ang bawat sangang di namumunga sa akin; at
pinupungusan naman niya’t nililinisan ang bawat namumunga upang higit pang
mamunga. 3 Ngayon malinis na kayo dahil sa salitang binigkas ko sa inyo. 4 Mamalagi
kayo sa akin, at ako sa inyo.
Hindi
makapamumunga ang sanga sa ganang sarili, malibang mamalagi ito sa puno ng
ubas; gayundin naman kayo, malibang mamalagi kayo sa akin. 5 Ako siyang puno ng
ubas, kayo ang mga sanga. Ang namamalagi sa akin at ako sa kanya, siya ang namumunga
nang sagana pagkat hiwalay sa aki’y hindi kayo makagagawa ng anuman. 6 Kung
hindi namamalagi sa akin ang sinuman, ihahagis siya sa labas gaya ng sangang
natuyo na tini¬tipon at ginagatong sa apoy at nagli¬liyab.
7 Kung
mamamalagi kayo sa akin at mamamalagi sa inyo ang mga pananalita ko, hingin
ninyo ang anumang loobin n’yo at magkakagayon sa inyo. 8 Sa ganito parangalan
ang aking Ama: kapag namunga kayo nang sagana at naging mga alagad ko.
Ang Mabuting
Balita ng Panginoon.
No comments:
Post a Comment