Saturday, May 30, 2020

Ang Mabuting Balita para sa Linggo Mayo 31, Pentekostes (Dakilang Kapistahan) Juan 20:19-23


Mabuting Balita: Juan 20:19-23
19 Agaw-dilim na noon sa unang araw na iyon ng sanlinggo at nakasara ang mga pinto sa kinaroroonan ng mga alagad dahil sa takot sa mga Judio, dumating si Jesus at pumagitna. At sinabi niya sa kanila: “Kapayapaan sa inyo!” 20 Pagkasabi nito, ipinakita niya sa kanila ang mga kamay at ang tagiliran. Kaya nagalak ang mga alagad pagka­kita nila sa Panginoon.

21 At muli niyang sinabi sa kanila: “Kapa­­yapaan sa inyo! Kung paanong isinugo ako ng Ama, ipinadadala ko rin kayo.” 22 At pagkasabi nito, hiningahan niya sila at sinabi: “Tanggapin ang Espi­ritu Santo! 23 Patatawarin ang mga kasa­lanan ninu­man na inyong patawarin; at pana­natiliin naman sa sinuman ang in­yong panatiliin.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

No comments: