45Marami nga sa mga Judio ang
nagsiparoon kay Maria at nangakakita ng ginawa ni Jesus, ay nagsisampalataya sa
kaniya. 46Datapuwa't
ang ilan sa kanila ay nagsiparoon sa mga Fariseo, at sinaysay sa kanila ang mga
bagay na ginawa ni Jesus.
47Ang mga pangulong saserdote
nga at ang mga Fariseo ay nangagpulong, at nagsipagsabi, Ano ang ginagawa natin?
sapagka't ang taong ito'y gumagawa ng maraming tanda. 48Kung siya'y ating
pabayaang gayon, ang lahat ng mga tao ay magsisisampalataya sa kaniya: at
magsisiparito ang mga Romano at pagkukunin ang ating kinaroroonan at gayon din
naman ang ating bansa.
49Nguni't ang isa sa kanila na
si Caifas, na dakilang saserdote nang taong yaon, ay nagsabi sa kanila, Kayo'y
walang nalalamang anoman. 50Ni inyong niwawari
na sa inyo'y nararapat na ang isang tao ay mamatay dahil sa bayan, at hindi ang
buong bansa ay mapahamak.
51Ito nga'y sinabi niya na hindi
sa kaniyang sarili: kundi palibhasa ay dakilang saserdote nang taong yaon, ay
hinulaan niya na si Jesus ay dapat mamatay dahil sa bansa; 52At hindi dahil sa
bansa lamang, kundi upang matipon din naman niya sa isa ang mga anak ng Dios na
nagsisipangalat.
53Kaya't mula nang araw na yaon
ay pinagsanggunianan nilang ipapatay siya. 54Si Jesus ay hindi na
naglalakad ng hayag sa gitna ng mga Judio, kundi naparoon doon sa lupaing
malapit sa ilang, sa isang bayan na tinatawag na Efraim; at siya'y nanahanan
doong kasama ng mga alagad.
55Ang paskua nga ng mga Judio ay
malapit na: at maraming nagsiahon sa Jerusalem mula sa lupaing yaon bago
magpaskua, upang magsipaglinis. 56Pinaghahanap nga
nila si Jesus, at pinaguusapan ng isa't isa, samantalang nangakatayo sila sa
templo, Anong akala ninyo? Na hindi na kaya siya paririto sa pista?
Ang Mabuting
Balita ng Panginoon.
No comments:
Post a Comment