Wednesday, April 29, 2020

Ang Mabuting Balita para sa Mayo 1, Biyernes sa Ikatlong Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay: Juan 6:52-59


Mabuting Balita: Juan 6:52-59
52 Kaya nagtalu-talo ang mga Judio at nagsalita: “Paano tayo mabi­bigyan ng taong ito ng laman para ka­inin?” 53 Sinabi naman ni Jesus sa kanila: “Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo, kung hindi n’yo kakanin ang laman ng Anak ng Tao at iinu­min ang kanyang dugo, wala kayong buhay sa inyong sarili. 54 May buhay magpakailanman ang ngumu­nguya ng aking laman at umiinom ng aking dugo, at itatayo ko siya sa huling araw.

55 Sapagkat totoong pagkain ang aking laman at totoong inumin ang aking dugo. 56 Ang ngumunguya ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay namamalagi sa akin at ako naman sa kanya. 57 Sinugo nga ako ng Amang buhay at buhay ako dahil sa Ama, gayundin naman dahil sa akin mabu­buhay ang ngumunguya sa akin.

58 Ito ang tinapay na pumanaog mula sa Langit, hindi gaya sa inyong mga ninuno na kumain at nangamatay pa rin. Mabu­buhay naman magpakailan­man ang ngu­munguya ng tinapay na ito.” 59 Sinabi niya ang mga bagay na ito sa sinagoga habang nangangaral siya sa Capernaum.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

No comments: