Mabuting Balita: Juan 10:1-10
Sinabi ni Jesus 1 “Talagang-talagang
sinasabi ko sa inyo, magnanakaw at tulisan ang hindi dumaraan sa pintuan
pagpasok sa kulungan ng mga tupa kundi lumukso sa ibang dako. 2 Ang pastol
ng mga tupa ang pumapasok sa pintuan.
3 Pinagbubuksan siya ng
bantay-pinto, at nakikinig ang mga tupa sa kanyang tinig. At tinatawag niya
sa pangalan ang sarili niyang mga tupa at inaakay palabas. 4 Kapag
napalabas na niya ang tanang kanya, sa harap nila siya naglalakad at sa kanya
sumusunod ang mga tupa, pagkat kilala nila ang kanyang tinig.
5 Hinding-hindi sila susunod sa
dayuhan kundi lalayuan nila ito sapagkat hindi nila kilala ang tinig ng mga
dayuhan.” 6 Ito ang talinhagang sinabi ni Jesus sa kanila. Ngunit hindi
nila naintindihan ang gusto niyang sabihin sa kanila. 7 Kaya sinabi uli ni
Jesus: “Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo: Ako siyang pintuan ng mga tupa.
8 Magnanakaw at tulisan ang lahat ng nauna sa akin.
Ngunit hindi sila pinakinggan ng mga
tupa. 9 Ako siyang pintuan; kung may pumapasok sa pamamagitan ko, maliligtas
siya, at papasok at lalabas, at makakatagpo ng pastulan. 10 Hindi dumarating
ang magnanakaw kundi para lamang magnakaw, pumaslang at magpahamak. Dumating
naman ako upang magkaroon sila ng buhay at lubos na magkaroon nito.
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
No comments:
Post a Comment