Mabuting
Balita: Juan 10:31-42
31Nagsidampot uli ng mga
bato ang mga Judio upang batuhin si Jesus. 32Sinagot sila ni Jesus,
Maraming mabubuting gawa na mula sa Ama ang ipinakita ko sa inyo; alin sa mga
gawang yaon ang ibinabato ninyo sa akin? 33Sinagot siya ng mga
Judio, Hindi dahil sa mabuting gawa ay binabato ka namin, kundi sa pamumusong;
at sapagka't ikaw, bagaman ikaw ay tao, ay nagpapakunwari kang Dios.
34Sinagot sila ni Jesus,
Hindi baga nasusulat sa inyong kautusan, Aking sinabi, Kayo'y mga dios? 35Kung tinawag niyang mga
dios, yaong mga dinatnan ng salita ng Dios (at hindi mangyayaring sirain ang
kasulatan), 36Sinasabi
baga ninyo tungkol sa kaniya, na pinabanal ng Ama at sinugo sa sanglibutan,
Ikaw ay namumusong; sapagka't sinasabi ko, Ako ang anak ng Dios?
37Kung hindi ko ginagawa
ang mga gawa ng aking Ama, ay huwag ninyo akong sampalatayanan. 38Datapuwa't kung ginagawa
ko, ang mga yaon kahit hindi kayo magsisampalataya sa akin, ay magsisampalataya
kayo sa mga gawa; upang maalaman ninyo at mapagunawa na ang Ama ay nasa akin,
at ako'y nasa Ama. 39Muling
pinagsikapan nilang siya'y hulihin: at siya'y tumakas sa kanilang mga kamay.
40At siya'y muling
naparoon sa dako pa roon ng Jordan sa dako nang una'y pinagbautismuhan ni Juan;
at siya'y tumira doon. 41At
marami ang mga nagsiparoon sa kaniya; at kanilang sinabi, Katotohanang si Juan
ay hindi gumawa ng tanda: nguni't lahat ng mga bagay na sinalita ni Juan
tungkol sa taong ito ay totoo. 42At marami ang mga
nagsisampalataya sa kaniya roon.
Ang Mabuting Balita
ng Panginoon.
No comments:
Post a Comment