Mabuting
Balita: Juan 13:21-33, 36-38
21Nang
masabing gayon ni Jesus, siya'y nagulumihanan sa espiritu, at pinatotohanan, at
sinabi, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, na ako'y ipagkakanulo ng
isa sa inyo. 22Ang
mga alagad ay nangagtingintinginan, na nangagaalinlangan kung kanino niya
sinasalita. 23Sa
dulang ay may isa sa kaniyang mga alagad, na minamahal ni Jesus na nakahilig sa
sinapupunan ni Jesus. 24Hinudyatan nga siya
ni Simon Pedro, at sinabi sa kaniya, Sabihin mo sa amin kung sino ang
sinasalita niya. 25Ang
nakahilig nga sa dibdib ni Jesus ay nagsabi sa kaniya, Panginoon, sino
yaon? 26Sumagot
nga si Jesus, Yaong aking ipagsawsaw at bigyan ng tinapay ay siya nga. Kaya't
nang maisawsaw niya ang tinapay, ay kinuha niya at ibinigay niya kay Judas, na
anak ni Simon Iscariote. 27At pagkatapos na
maisubo, si Satanas nga ay pumasok sa kaniya. Sinabi nga sa kaniya ni Jesus,
Ang ginagawa mo, ay gawin mong madali. 28Hindi nga natalastas
ng sinomang nasa dulang kung sa anong kadahilanan sinalita niya ito. 29Sapagka't iniisip ng
ilan, na sapagka't si Judas ang may tangan ng supot, ay sinabi ni Jesus sa
kaniya, Bumili ka ng mga bagay na ating kailangan sa pista; o, magbigay siya ng
anoman sa mga dukha. 30Nang
kaniya ngang matanggap ang subo ay umalis agad: at noo'y gabi na.
31Nang
siya nga'y makalabas na, ay sinabi ni Jesus, Ngayon ay niluluwalhati ang Anak
ng tao, at ang Dios ay niluluwalhati sa kaniya: 32At luluwalhatiin
siya ng Dios sa kaniyang sarili, at pagdaka'y luluwalhatiin siya niya. 33Maliliit na anak,
sumasa inyo pa ako ng kaunting panahon. Ako'y inyong hahanapin: at gaya ng
sinabi ko sa mga Judio, Sa paroroonan ko, ay hindi kayo mangakaparoon: gayon
ang sinasabi ko sa inyo ngayon.
36Sinabi sa kaniya
ni Simon Pedro, Panginoon, saan ka paroroon? Sumagot si Jesus, Sa paroroonan
ko, ay hindi ka makasusunod sa akin ngayon: nguni't pagkatapos ay makasusunod
ka. 37Sinabi
sa kaniya ni Pedro, Panginoon, bakit hindi ako makasusunod sa iyo ngayon? Ang
aking buhay ay ibibigay ko dahil sa inyo. 38Sumagot si Jesus.
Ang buhay mo baga'y iyong ibibigay dahil sa akin? Katotohanan, katotohanang
sinasabi ko sa iyo, Hindi titilaok ang manok, hanggang ikaila mo akong
makaitlo.
Ang Mabuting
Balita ng Panginoon.
No comments:
Post a Comment