Mabuting
Balita: Juan 6:1-15
1 Nagpunta
si Jesus sa kabilang ibayo ng dagat ng Galilea sa may Tiberias. 2 Sinusundan
siya ng makapal na tao dahil napansin nila ang mga tandang ginagawa niya sa mga
maysakit. 3 Umahon si Jesus sa bundok at naupo siya roon kasama ang
kanyang mga alagad. 4 Malapit na ang Paskuwa na piyesta ng mga Judio.
5 Kaya
pagkatunghay ni Jesus at pagkakita niyang marami ang taong pumupunta sa
kanya, sinabi niya kay Felipe: “Saan kayo makabibili ng tinapay para makakain
ang mga ito?” 6 Sinabi niya ito bilang pagsubok sa kanya dahil alam na
niya kung ano ang napipinto niyang gawin. 7 Sumagot sa kanya si Felipe:
“Dalawandaang denaryong tinapay ay hindi sapat sa kanila para makakuha ng
tigkakaunti ang bawat isa.”
8 At
sinabi naman sa kanya ng isa sa kanyang mga alagad na si Andres na kapatid ni
Simon Pedro: 9 "May maliit na bata rito na may limang tinapay na
sebada at dalawang isda. Ano ito para sa pagkarami-raming tao?” 10 Madamo
sa lugar na iyon kaya sinabi ni Jesus: “Paupuin n’yo ang mga tao.” Kaya
nag-upuan sila, halos limanlibo ang mga lalaki.
11 Kaya
kinuha ni Jesus ang mga tinapay at pagkapagpasalamat, at ipinabigay sa mga
nakaupo. Gayundin naman sa mga isda – gaano man ang gustuhin nila. 12 Nang
busog na sila, sinabi niya sa kanyang mga alagad: “Tipunin ninyo ang natirang
mga piraso para walang masayang.” 13 Kaya tinipon nila ang mga tira ng
mga pinakain, at labindalawang bakol ang napuno ng mga pira-piraso mula sa
limang tinapay na sebada.
14 Pagkakita
sa tandang ginawa ni Jesus, sinabi ng mga tao: “Ito ngang talaga ang Propeta
parating sa mundo.” 15 At alam ni Jesus na parating sila upang agawin siya
para gawing hari kaya lumigpit siyang muli na siya lamang mag-isa sa bulubundukin.
No comments:
Post a Comment