Sunday, April 19, 2020

Ang Mabuting Balita para sa Abril 22, Miyerkules sa Ikalawang Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay: Juan 3:16-21

Mabuting Balita: Juan 3:16-21
16 Ganito nga kamahal ng Diyos ang mundo! Kayat ibinigay niya ang kanyang bugtong na anak upang hindi na ma­wala ang bawat nananalig sa kanya kundi magkaroon ng buhay magpa­kailanman.

17 Hindi nga sinugo ng Diyos sa mundo ang Anak upang hukuman ang mundo kundi upang maligtas ang mundo sa pamamagitan niya. 18 Hindi hinuhukuman ang nananalig sa kanya. Ngunit hinu-kuman na ang hindi nana­nalig pagkat hindi siya nananalig sa Ngalan ng bugtong na Anak ng Diyos.

19 Ito ang paghuhukom: dumating sa mundo ang liwanag pero mas minahal pa ng mga tao ang karimlan kaysa liwanag sapagkat masasama ang kanilang gawa. 20 Ang gumagawa ng masama’y napopoot nga sa liwanag at hindi lumalapit sa liwanag, at baka malantad ang kanyang mga gawa. 21 Lumalapit naman sa liwanag ang gumagawa ng katotohanan upang mabunyag na sa Diyos ginagawa ang kanyang mga gawa.


No comments: