Wednesday, April 08, 2020

Ang Mabuting Balita para sa Abril 11, Sabado Santo: Mateo 28:1-10


Mabuting Balita: Mateo 28:1-10
1 Kinahapunan ng Araw ng Pahinga, sa paglabas ng unang bituin, sa unang araw ng sanlinggo, pumunta sa libi­ngan si Maria Magdalena at ang isa pang Maria para tingnan ang libingan. 2 Walang anu-ano’y lumindol nang malakas at buma­ba mula sa langit ang Anghel ng Panginoon at nilapitan ang bato,pinagulong ito at naupo roon. 3 Pa­rang kidlat ang kanyang mukha at simputi ng niyebe ang kanyang damit. 4 Na­nginig naman sa takot ang mga bantay at naging parang mga patay.

5 Sinabi ng Anghel sa mga babae: “Hu­wag kayong matakot; alam kong hina­hanap ninyo si Jesus na ipinako sa krus. 6 Wala siya rito; binuhay siya ayon sa kanyang sinabi. Tingnan ninyo ang lugar na pinaglibingan sa kanya. 7 Pu­munta kayo agad ngayon at sabihin sa kanyang mga alagad na muli siyang nabuhay at mauuna sa inyo sa Galilea. Makikita ninyo siya roon. Ito ang mensahe ko sa inyo.”

8 Agad nilang iniwan ang libingan na natatakot at labis na nagagalak, at tumakbo sila para balitaan ang kanyang mga alagad. 9 Nakasalubong nila sa daan si Jesus at sinabi niya: “Kapayapaan.” Paglapit sa kanya ng mga babae, niyakap nila ang kanyang mga paa at sinamba siya. 10 Si­nabi naman ni Jesus sa kanila: “Huwag kayong matakot. Humayo kayo at sabihin sa aking mga kapatid na pumunta sila sa Galilea; doon nila ako makikita.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

No comments: