Mabuting
Balita: Juan 7:40-53
40 Sinabi ng ilang nakarinig kay Jesus, “Tunay ngang ito ang Propetang
hinihintay natin!” 41“Siya na nga ang Cristo!” sabi naman ng iba. Ngunit
mayroon namang sumagot, “Maaari bang magmula sa Galilea ang
Cristo? 42Hindi ba sinasabi sa kasulatan na ang Cristo ay magmumula
sa lipi ni David, at ipanganganak sa Bethlehem na bayan ni
David?” 43Magkakaiba ang palagay ng mga tao tungkol sa kanya. 44Gusto
ng ilan na dakpin siya, ngunit wala namang mangahas na humuli sa kanya.
45Nang bumalik ang mga bantay ng Templo, tinanong sila ng mga punong
pari at mga Pariseo, “Bakit hindi ninyo siya dinala rito?” 46Sumagot sila,
“Wala pa po kaming narinig na nagsalita nang tulad niya!” 47“Pati ba kayo'y
nalinlang na rin?” tanong ng mga Pariseo. 48“Mayroon bang pinuno o
Pariseong naniniwala sa kanya? 49Mga tao lamang na walang nalalaman sa
Kautusan ang naniniwala sa kanya, kaya't sila'y mga sinumpa!”
50 Isa sa mga naroon ay si Nicodemo, ang Pariseong nagsadya kay
Jesus noong una. At siya'y nagtanong, 51“Hindi ba't labag sa ating
Kautusan na hatulan ang isang tao nang di muna nililitis at inaalam kung ano
ang kanyang ginawa?” 52 Sumagot sila, “Ikaw ba'y taga-Galilea rin? Saliksikin
mo ang Kasulatan at makikita mong walang propetang magmumula sa Galilea.” [53Pagkatapos nito, umuwi na ang lahat.
Ang Mabuting
Balita ng Panginoon.
No comments:
Post a Comment