Mabuting
Balita: Juan 8:31-42
31Sinabi nga ni
Jesus sa mga Judiong yaon na nagsisisampalataya sa kaniya, Kung kayo'y
magsisipanatili sa aking salita, kung magkagayo'y tunay nga kayong mga alagad
ko; 32At inyong
makikilala ang katotohanan, at ang katotohana'y magpapalaya sa inyo. 33Sa kaniya'y kanilang isinagot,
Kami'y binhi ni Abraham, at kailan ma'y hindi pa naging alipin ninomang tao:
paanong sinasabi mo, Kayo'y magiging laya?
34Sinagot sila ni
Jesus, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang bawa't nagkakasala ay
alipin ng kasalanan. 35At ang alipin
ay hindi nananahan sa bahay magpakailan man: ang anak ang nananahan magpakailan
man. 36 Kung
palayain nga kayo ng Anak, kayo'y magiging tunay na laya. 37Talastas ko na kayo'y binhi ni
Abraham; gayon ma'y pinagsisikapan ninyong ako'y patayin, sapagka't ang salita
ko'y hindi magkasiya sa inyo. 38Sinasalita ko ang mga bagay na aking
nakita sa aking Ama: at ginagawa rin ninyo ang mga bagay na inyong narinig sa
inyong Ama.
39Sila'y
nagsisagot at sa kaniya'y sinabi, Si Abraham ang aming ama. Sa kanila'y sinabi
ni Jesus, Kung kayo'y mga anak ni Abraham, ay gagawin ninyo ang mga gawa ni
Abraham. 40Datapuwa't
ngayo'y pinagsisikapan ninyo akong patayin, na taong sa inyo'y nagsaysay ng
katotohanan, na aking narinig sa Dios: ito'y hindi ginawa ni Abraham. 41Ginagawa ninyo ang mga gawa ng
inyong ama. Sinabi nila sa kaniya, Hindi kami inianak sa pakikiapid; may isang
Ama kami, ang Dios. 42Sinabi sa
kanila ni Jesus, Kung ang Dios ang inyong ama, ay inyong iibigin ako: sapagka't
ako'y nagmula at nanggaling sa Dios; sapagka't hindi ako naparito sa aking
sarili, kundi sinugo niya ako.
Ang Mabuting
Balita ng Panginoon.
No comments:
Post a Comment