Sunday, March 22, 2020

Ang Mabuting Balita para sa Miyerkules Marso 25, Ang Pagpapahayag ng Magandang Balita Tungkol sa Panginoon (Dakilang Kapistahan) Lucas 1:26-38


Mabuting Balita: Lucas 1:26-38
26 Sa ikanim na buwan, isinugo ng Diyos ang Anghel Gabriel sa isang bayan ng Galilea na tinatawag na Nazaret. 27 Si­nugo ito sa isang birhen na ipinag­kasundo na sa isang lalaking nagnga­ngalang Jose mula sa sambahayan ni David; at Maria naman ang pangalan ng birhen.
28 Pumasok ang anghel at sinabi sa kanya: “Matuwa ka, O puspos ng gra­s­ya, sumasaiyo ang Panginoon.” 29 Nabaga­bag naman si Maria dahil sa pa­nanalitang ito at pinagwari kung ano ang pagbating ito.

30 At sinabi ng anghel sa kanya: “Huwag kang matakot, Maria, dahil may magandang niloloob ang Diyos para sa iyo. 31 At ngayo’y maglilihi ka at ma­nganganak ng isang lalaki na panga­ngalanan mong Jesus. 32 Magi­ging dakila siya at tatawa­gin siyang Anak ng Ka­taas-taasan, at ibi­bigay sa kanya ng Panginoong Diyos ang trono ng kanyang ninu­nong si David.

33 Maghahari siya sa ang­kan ni Jacob magpakailanman; talaga ngang wa­lang katapusan ang kanyang pag­ha­hari.” 34 Sinabi ni Maria sa anghel: “Paa­nong mangyayari ito gayong di ako ginagalaw ng lalaki?” 35 At sumagot sa kanya ang anghel: “Papanaog sa iyo ang Espiritu Santo at lililiman ka ng kapangyarihan ng Kataas-taasan kaya magiging banal ang isisilang at tatawaging Anak ng Diyos.

36 At nagdalantao naman ngayon ang pinsan mong si Elizabeth sa kabila ng kanyang katandaan, at siyang itinuturing na baog ay nasa ikaanim na buwan na. 37 Wala ngang imposible sa Diyos.”
38 Sinabi naman ni Maria: “Narito ang utusan ng Panginoon, mangyari nawa sa akin ang iyong sinabi.” At nilisan siya ng anghel.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

No comments: