Thursday, March 26, 2020

Ang Mabuting Balita para sa Martes Marso 31, Ikalimang Linggo ng Kuwaresma Juan 8:21-30


Mabuting Balita: Juan 8:21-30
21 Sinabi ni Jesus sa mga Pariseo: “Aalis ako at hahanapin ninyo ako, at sa inyong kasalanan kayo mama­matay. Kung saan ako pupunta, hindi kayo makaparoroon.” 22 Kaya sinabi ng mga Judio: “Magpapa­kamatay kaya siya kaya niya sinasabing ‘Kung saan ako pupunta, hindi kayo makaparo­roon’?”

23 At sinabi ni Jesus sa kanila: “Taga-iba­ba kayo; taga-itaas naman ako. Taga-mun­dong ito kayo. Hindi ako taga-mundong ito. 24 Kaya sinabi ko sa inyo na sa inyong mga kasalanan kayo mama­matay. Sa inyong mga kasa­lanan nga kayo mamamatay kung hindi kayo mani­niwalang Ako Siya. 25 At sinabi nila sa kanya: “Sino ka ba?” sinabi naman sa kanila ni Jesus: “Ba’t pa kaya ako mangungusap sa inyo? 26 Mara­mi akong masasabi at ma­hu­hukuman tungkol sa inyo. Totoo nga ang nagpadala sa akin; at ang narinig ko mula sa kanya – ang mga ito ang sinasabi ko sa mundo.”

27 Hindi nila naintindihan na ang Ama ang tinutukoy niya. 28 At sinabi ni Jesus: “Kapag itinaas ninyo ang Anak ng Tao, maiintindihan ninyong Ako siya at wala akong ginagawa sa ganang sarili ko kundi ayon sa iniaral sa aking ng Ama – ang mga ito ang aking sinasabi. 29 Kasama ko nga ang nagpadala sa akin at hindi niya ako iniiwang nag-iisa pagkat lagi kong ginagawa ang mga kalugud-lugod sa kanya.” • 30 Habang sinasabi ito ni Jesus, mara­mi ang nanalig sa kanya.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

No comments: