Mabuting
Balita: Juan 8:1-11
1 Pumunta naman
si Jesus sa Bundok ng mga Olibo. 2 Maaga
siyang muli sa Templo, at naglapitan sa kanya ang lahat ng tao, at pagkaupo
niya’y, nangaral siya sa kanila. 3 Dinala
naman ng mga guro ng Batas at ng mga Pariseo ang isang babaeng huling-huli sa
pakikiapid.
Pinatayo nila siya sa gitna, 4 at
sinabi nila kay Jesus: "Guro, huling-huli sa akto ang babaeng ito na nakikiapid.
5 Iniutos sa amin ni Moises sa
Batas na batuhin ang ganitong mga babae; ano naman ang sabi mo?” 6 Sinabi nila ito bilang pagsubok
sa kanya upang may maiparatang sila sa kanya.
Yumuko naman si Jesus at nagsulat sa lupa sa pamamagitan ng kanyang
daliri. 7 Nang magpatuloy sila
sa pagtatanong sa kanya, tumindig siya at sinabi sa kanila: “Ang walang sala
sa inyo ang unang bumato sa kanya.”
8 At muli siyang yumuko at nagsulat sa lupa.
9 Ang mga
nakarinig nama’y isa-isang nag-alisan mula sa matatanda, at naiwan siyang
mag-isa pati ang babae na nasa gitna. 10 Tumindig
si Jesus, at sinabi sa kanya, “Babae, nasaan sila? Wala bang humatol sa iyo?” 11 At sinabi niya: “Wala,
Panginoon.” Sinabi ni Jesus: “Hindi rin kita hahatulan. Humayo ka at mula
ngayo’y, huwag nang magkasala pa.”
Ang Mabuting
Balita ng Panginoon.
No comments:
Post a Comment