Friday, March 13, 2020

Ang Mabuting Balita para sa Huwebes Marso 19, Dakilang Kapistahan ni San Jose, kabiyak ng Mahal na Birheng Maria: Mateo 1:16, 18-21, 24a


Mabuting Balita: Mateo 1:16, 18-21, 24a
16 Si Jacob ang ama ni Jose – ang asawa ni Maria na siyang pinagmulan ni Jesus na tinawag na Kristo.

18 Ganito ipinanganak si Jesucristo. Ipinag­kasundo na kay Jose ang kanyang inang si Maria pero bago sila nagsama bilang mag-asawa, nagdadalantao na siya gawa ng Espiritu Santo. 19 Kaya binalak ni Jose na hiwalayan nang lihim ang kanyang asawa. Matuwid nga siya at ayaw niya itong mapahiya.

20 Habang iniisip-isip niya ito, napa­kita sa kanya sa panaginip ang Anghel ng Panginoon at sinabi: “Jose, anak ni David, huwag kang matakot na tang­ga­pin si Maria bilang iyong asawa. Gawa ng Espi­ritu Santo kaya siya naglihi, 21 at ma­nga­nganak siya ng isang sanggol na lalaki, na panga­ngalanan mong Jesus sapagkat siya ang magliligtas sa kanyang samba­yanan mula sa kanilang mga kasa­lanan.”

24 Kaya pagka¬gising ni Jose, ginawa niya ang sinabi ng Anghel ng Panginoon at tinang¬gap niya ang kanyang asawa.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

No comments: