Monday, February 24, 2020

Ang Mabuting Balita para sa Sabado Pebrero 29, Sabado pagkaraan ng Miyerkules ng Abo: Lucas 5:27-32


Mabuting Balita: Lucas 5:27-32
27 Nakita ni Jesus ang isang kolektor ng buwis na nagngangalang Levi na naka­upo sa paningilan ng buwis. Sinabi niya rito: “Sumunod ka sa akin.” 28 Tu­mayo naman ito, iniwan ang lahat at sumunod sa kanya.

29 Naghandog sa kanya si Levi ng isang marang­yang handaan sa kanyang bahay at nakisalo sa kanila ang maraming kolektor ng buwis at iba pang mga tao. 30 Dahil dito’y pabulong na nag­reklamo ang mga Pariseo at ang panig sa kanilang mga guro ng Batas sa mga alagad ni Jesus: “Bakit kayo kuma­kain at umiinom kasama ng mga mani­ningil ng buwis at mga maka­sa­lanan?”

31 Sumagot naman si Jesus at sinabi sa kanila: “Hindi ang malulusog ang na­ngangailangan ng doktor kundi ang mga may­sakit. 32 Hindi ako pumarito para tawagin ang mabu­buti kundi ang mga makasalanan tungo sa pagba­balik-loob.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

No comments: