Saturday, February 29, 2020

Ang Mabuting Balita para sa Miyerkules Marso 4, Unang Linggo ng Kuwaresma: Lucas 11:29-32


Mabuting Balita: Lucas 11:29-32
29 Nang dumadagsa na ang mga tao, nag­simulang magsalita si Jesus: “Masamang lahi ang lahing ito; humi­hi­ngi ito ng palatandaan pero walang ibang palatandaang ibibigay rito kundi ang palatandaan ni Jonas.

30 At kung paanong na­ging palatandaan si Jonas para sa mga taga-Ninive, gayundin naman ang Anak ng Tao para sa mga tao sa kasalukuyan. 31 Sa paghuhukom, ba­bangon ang Reyna ng Timog kasama ng mga lalaki ng la­hing ito at hahatulan sila.

Sapagkat duma­ting siya mula sa kabilang dulo ng mundo para masak­sihan ang karunu­ngan ni Solomon at dito’y may mas dakila pa kay Solomon. 32 Sa paghuhukom, babangon ang mga lalaking taga-Ninive kasama ng salinla­hing ito at hahatulan nila ito dahil nagbalik-loob sila sa pangangaral ni Jonas; at dito’y may mas dakila pa kay Jonas.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

No comments: