Thursday, February 13, 2020

Ang Mabuting Balita para sa Miyerkules Pebrero 19, Ikaanim na Linggo ng Taon: Marcos 8:22-26


Mabuting Balita: Marcos 8:22-26
22 Pagpasok ni Jesus at ng kanyang mga alagad sa Betsaida, isang bulag ang dinala sa kanya at hiniling sa kanyang hipuin ito. 23 Inakay ito ni ­Jesus sa labas ng bayan, pinahiran ng laway ang mga mata nito at ipinatong ang kanyang mga kamay. At saka niya ito tina­nong: “May nakikita ka ba?” 24 Tumingin ang tao, at sinabi nito: “Parang mga punongkahoy ang nakikita ko pero lumalakad, tiyak na mga tao ito.” 25 Kaya agad na ipinatong ni Jesus ang kanyang mga kamay sa mga mata nito, at nakakilala siya at gumaling, at nakita nga niya nang malinaw ang lahat.

26 Pinauwi ito ni Jesus sa pagsasa­- bing: “Huwag kang pumasok kahit na sa na­yon.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

No comments: