Friday, February 28, 2020

Ang Mabuting Balita para sa Martes Marso 3, Unang Linggo ng Kuwaresma: Mateo 6:7-15


Mabuting Balita: Mateo 6:7-15
7 Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad pag mananalangin kayo, huwag ka­yong magsalita nang magsalita gaya ng ginagawa ng mga pagano; nani­niwala nga sila na mas paki­kinggan sila kung marami silang sina­sabi. 8 Huwag kayong tumulad sa kanila. Alam ng inyong Ama ang mga panganga­ila­ngan ninyo bago pa man kayo humingi.

9 Kaya, ganito kayo manalangin: Ama naming nasa Langit, sambahin ang Ngalan mo, 10 dumating ang Kaharian mo, sundin ang loob mo         dito sa lupa para nang sa Langit. 11 Bigyan mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw, 12 patawarin mo ang aming mga pagkakautang          gaya ng pagpapatawad namin sa mga nagkakautang sa amin.

13 Huwag mo kaming dalhin sa tukso, at iligtas mo kami sa Masama. 14 Kung patatawarin ninyo ang mga nag­kasala sa inyo, patatawarin din kayo ng inyong Amang nasa Langit. 15 At kung hindi ninyo patatawarin ang mga nag­ka­sala sa inyo, hindi rin kayo patatawarin ng inyong Ama.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

No comments: