Mabuting
Balita: Marcos 9:30-37
30 Umalis sa bundok si Jesus at ang kanyang mga alagad at
nagsimulang dumaan sa Galilea. Gusto niya na walang sinumang makaalam 31 sapagkat
tinuturuan niya ang kanyang mga alagad. At sinabi niya sa kanila: “Ibibigay
ang Anak ng Tao sa kamay ng mga tao. Papatayin nila siya ngunit pagkapatay
nila sa kanya, babangon siya sa ikatlong araw.” Kaya lubha silang nalungkot. 32 Hindi
nila ito naintindihan at hindi rin sila nangahas magtanong sa kanya.
• 33 Pagdating nila sa Capernaum, nang nasa bahay na siya,
tinanong niya sila: “Ano ang pinag-uusapan ninyo sa daan?” 34 At hindi
sila umimik; pinagtatalunan nga nila sa daan kung sino ang mas una.
• 35 Kaya naupo siya at pagkatawag sa Labindalawa ay sinabi sa
kanila: “Kung may gustong mauna, maging huli siya sa lahat at lingkod ng
lahat.” 36 At pagkakuha niya sa isang maliit na bata, pinatayo ito sa
gitna nila at inakbayan at saka sinabi sa kanila: 37 “Ang sinumang
tumanggap sa isa sa mga batang ito nang dahil sa aking pangalan ay tumatanggap
sa akin. At ang tumatanggap sa akin ay hindi ako ang tinatanggap kundi ang
nagsugo sa akin.”
Ang Mabuting
Balita ng Panginoon.
No comments:
Post a Comment