Friday, February 21, 2020

Ang Mabuting Balita para sa Lunes Pebrero 24, Ikapitong Linggo ng Taon: Marcos 9:14-29


Mabuting Balita: Marcos 9:14-29
14 Pagbalik nila Jesus, Pedro, Jaime at Juan sa mga alagad, nakita nila ang napakaraming tao na nakapa­libot sa mga ito at nakikipag­talo naman sa kanila ang mga guro ng Batas. 15 Na­mangha ang lahat pagka­kita sa kanila, at tumakbo sila para batiin siya.

16 Itinanong naman niya sa kanila: “Bakit kayo nakikipagtalo sa mga ito?” 17 At sina­got siya ng isang lalaki mula sa mga tao: “Guro, dinala ko sa iyo ang aking anak na lalaki na inaalihan ng isang piping espiritu. 18 At kung hina­ha­gip siya nito, inilulugmok siya sa lupa; nagbubula ang kanyang bibig, nagnga­ngalit ang mga ngipin at nani­nigas. Hi­ningi ko sa iyong mga alagad na pa­la­yasin ito pero hindi nila kaya.”

19 Sumagot si Jesus: “Mga walang pa­na­­­­nampalataya! Gaano pa katagal akong ma­nanatili sa piling ninyo? Hang­gang ka­ilan ako mag­titiis sa inyo? Dalhin siya rito sa akin.”

• 20 At pinalapit nila siya kay Jesus. Pag­kakita sa kanya ng espiritu, pina­ngatog nito ang bata at inilugmok sa lupa kaya nagpa­gulung-gulong siya at bumu­bula ang bibig. 21 Tinanong na­man ni Jesus ang ama: “Gaano na ka­tagal na nangyayari ito sa kanya?” 22 At sumagot ang ama: “Mula pa sa pagka­bata at ma­dalas nga siyang inihahagis sa apoy o sa batis para patayin. Ngu­nit kung kaya mo, maawa ka sa amin at pakitulungan kami.”

23 Sinagot siya ni Jesus: “Ano itong ‘kung kaya mo’? Lahat ay posible sa sumasam­pa­lataya.” 24 At agad na sumigaw ang ama ng bata sa pagsa­sabing “Sumasampalataya ako pero tulungan mo ang maliit kong pana­nam­palataya.”

25 Nakita ni Jesus na nagsisitakbo at luma­lapit na ang mga tao kaya iniutos niya sa masamang espiritu: “Pipi at binging espiritu, inuutusan kitang lu­ma­­bas sa kanya at huwag nang bu­malik.”
26 Nagsisigaw ang espiritu at ini­lugmok ang bata sa lupa bago luma­bas. At ani­mo’y patay ang bata kaya marami ang nagsabing “Na­matay.” 27 Ngunit pagkahawak ni Jesus sa ka­may nito, pinaba­ngon niya ito at pina­tindig.

28 Pagkapasok ni Jesus sa bahay, ti­na­nong siya ng mga alagad nang sari­linan: “Bakit hindi namin napalayas ang espiritu?” 29 Sinabi ni Jesus sa ka­nila: “Sa panalangin lamang mapala­layas ang ganitong klaseng espiritu.”
  
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

No comments: