Sunday, February 23, 2020

Ang Mabuting Balita para sa Huwebes Pebrero 27, Huwebes pagkaraan ng Miyerkules ng Abo: Lucas 9:22-25


Mabuting Balita: Lucas 9:22-25
22 Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad: “Kaila­ngang magtiis ng marami ang Anak ng Tao. Itatakwil nga siya ng mga Matatanda ng bayan, ng mga punong-pari at ng mga guro ng Batas. Papatayin siya at muling babangon sa ikatlong araw.”

23 Sinabi naman ni Jesus sa lahat: “Kung may gustong sumunod sa akin, itakwil ang kanyang sarili at kunin ang kanyang krus araw-araw para sumunod sa akin. 24 Sapagkat ang naghahangad na magligtas ng kanyang sarili ay mawa­walan nito, at ang mawawalan ng kanyang sarili alang-alang sa akin ay siyang ma­ka­­pagliligtas nito. 25 Ano ang pakinabang ng tao tubuin man niya ang buong daig­dig at mawawala naman o mapapahamak ang kanyang sarili?  

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

No comments: