Thursday, February 13, 2020

Ang Mabuting Balita para sa Biyernes Pebrero 21, Ikaanim na Linggo ng Taon: Marcos 8:34-9:1


Mabuting Balita: Marcos 8:34-9:1
• 34 At tinawag ni Jesus ang kanyang mga alagad pati ang mga tao, at sinabi: “Kung may gustong sumunod sa akin, itakwil ang kanyang sarili at kunin ang kanyang krus para sumunod sa akin. 35 Sapagkat ang naghahangad na magligtas ng kanyang sarili ay mawa­walan nito, at ang mawawalan ng sarili alang-alang      sa akin at sa ebang­helyo ang magliligtas nito.

36 Ano ang pakinabang ng tao tubuin man niya ang buong daigdig kung sarili naman niya ang mawala? 37 At pagka­tapos ay ano ang maibibigay niya para mabawi ang kanyang sa­rili? 38 Ang ikinahihiya ako at ang aking  mga salita sa harap ng di-tapat at makasalanang lahing ito ay ikahihiya rin ng Anak ng Tao pagdating niyang taglay ang luwalhati ng kanyang Ama, kasama ng mga banal na anghel.”

9   • 1 At idinagdag ni Jesus: “Toto­     ong sinasabi ko sa inyo na di daranas ng kamatayan ang ilan sa mga naririto hanggang hindi nila nakikita ang kaharian ng Diyos na dumarating na may kapang­yarihan.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

No comments: