Saturday, January 25, 2020

Ang Mabuting Balita para sa Linggo January 26, Ikatlong Linggo sa Karaniwang Panahon: Mateo 4:12-23


Mabuting Balita: Mateo 4:12-23
12 Nang marinig ni Jesus na dinakip si Juan, lumayo siya pa-Galilea. 13 Hindi siya tumigil sa Nazaret, kundi sa Capernaum nanirahan, sa may baybayin ng lawa ng Galilea, sa teritoryo ng Zabulon at Neftali.

14 Kaya natupad ang salita ni Propeta Isaias: 15 “Makinig kayo, mga lupain ng Zabulon at Neftali, mga daang patungo sa Dagat, kabilang ibayo ng Jordan; pa­-king­gan ako, Galileang lupain ng mga pagano.16 Nakakita na ng malaking liwa­nag ang mga lugmok sa kadiliman. Sumikat na ang liwanag sa mga nasa anino ng kamatayan.”

17 At magmula noon, sinimulang ipa­hayag ni Jesus ang kanyang mensahe: “Magbagong-buhay; lumapit na nga ang Kaharian ng Langit.” 18 Sa paglalakad ni Jesus sa pampang ng lawa ng Galilea, nakita niya ang  mag­kapatid na Simon na tinawag na Pedro at Andres na naghahagis ng mga lambat dahil mga mangingisda sila. 19 Sinabi niya sa kanila: “Halikayo, sumunod kayo sa akin, at gagawin ko kayong mangingisda ng tao.”

20 Agad nilang iniwan ang kanilang mga lambat at sumunod sa kanya. 21 Nagpatuloy siya sa paglakad at na­kita naman niya ang magkapatid na Jaime at Juan na mga anak ni Zebedeo. Nasa bangka sila kasama ng kani­lang amang si Zebedeo at nagsu­sursi ng kani­lang lambat. 

Tinawag sila ni Jesus. 22 Agad nilang iniwan ang bangka nila at ang ka­nilang ama, at nag­simulang sumunod sa kanya. 23 Nagsimulang maglibot si Jesus sa buong Galilea. Nagturo siya sa kani­lang mga sinagoga, ipinahayag ang Mabu­ting Balita ng Kaharian at pina­galing ang kung anu-anong klase ng sakit at kapansanan ng mga tao.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

No comments: