Mabuting
Balita: Lucas 4:14-22
14 Nagbalik si Jesus sa Galilea na taglay ang kapangyarihan ng
Espiritu at lumaganap sa buong kapaligiran ang balita tungkol sa kanya. 15 Kinaugalian
niyang magturo sa kanilang mga sinagoga, at pinupuri siya ng lahat.
• 16 Pagdating niya sa Nazaret, kung saan siya lumaki, pumasok
siya sa sinagoga sa Araw ng Pahinga ayon sa kanyang kinaugalian. Tumindig siya
para bumasa ng Kasulatan, 17 at iniabot sa kanya ang aklat ni Propeta
Isaias.
Sa paglaladlad niya sa rolyo, natagpuan niya ang lugar kung saan nasusulat:
18 “Sumasaakin ang Espiritu ng Pangi-noon kayat pinahiran niya ako upang
ihatid ang mabuting balita sa mga dukha. Sinugo niya ako upang ipahayag ang
paglaya sa mga bilanggo, sa mga bulag ang pagkabawi ng paningin, upang
bigyang-ginhawa ang mga api, 19 at ipahayag ang taon ng kabutihang-loob ng
Panginoon.”
20 Binilot ni Jesus ang aklat, ibinigay ito sa tagapaglingkod at naupo.
At nakatuon sa kanya ang mga mata ng lahat ng nasa sinagoga. 21 Sinimulan
niyang magsalita sa kanila: “Isinakatuparan ang Kasulatang ito ngayon habang
nakikinig kayo.” 22 At sumang-ayon silang lahat sa kanya habang nagtataka sa gayong
pagpapahayag ng kabutihang-loob ng Diyos na nanggaling sa kanyang bibig. At
sinabi nila: “Hindi ba’t ito ang anak ni Jose?”
Ang Mabuting
Balita ng Panginoon.
No comments:
Post a Comment