Mabuting
Balita: Marcos 6:45-52
45 Agad na pinilit ni Jesus na sumakay sa bangka ang mga alagad at
pinauna sa Betsaida sa kabilang ibayo habang pinaaalis niya ang mga tao. 46 At
pagkapaalis niya sa kanila, mag-isa siyang lumayo papunta sa kaburulan para manalangin.
47 Nasa laot na ang bangka nang gumabi at nag-iisa naman siyang
nasa lupa. 48 Nakita niya silang nahihirapan sa pagsagwan sapagkat
pasalungat ang hangin. Kaya nang madaling-araw na, pinuntahan sila ni Jesus na
naglalakad sa dagat at waring lalampas sa kanila. 49 Nang makita nila
siyang naglalakad sa dagat, akala nila’y multo siya. Kaya sumigaw sila. 50 Nakita
nga siya nilang lahat at nasindak sila. Ngunit agad niya silang kinausap:
“Lakasan ang loob! Ako ito, huwag kayong matakot.”
51 Nang nakasakay na siya sa bangka kasama nila, tumigil ang
hangin kaya lalo pa silang namangha. 52 Hindi nga nila naunawaan ang
tungkol sa mga tinapay, kundi sarado ang kanilang isip.
Ang Mabuting
Balita ng Panginoon.
No comments:
Post a Comment