Sunday, January 12, 2020

Ang Mabuting Balita para sa Enero 14, Martes sa Unang Linggo ng Taon: Marcos 1:21-28


Mabuting Balita: Marcos 1:21-28
21 Pumunta si Jesus at ang kanyang mga alagad sa Capernaum. At nagturo siya sa sinagoga sa mga Araw ng Pahinga. 22 Nagulat ang mga tao sa kanyang pangangaral sapagkat nangaral siya nang may kapang­yari­han, hindi gaya ng mga guro ng Batas.

• 23 May isang tao sa sinagoga na ina­alihan ng isang maruming espiritu. 24 Su­migaw ito: “Ano ang kailangan mo sa akin, Jesus na taga-Nazaret? Para ipahamak kami kaya ka dumating. Alam ko kung sino ka: ang Banal ng Diyos.”

25 Ngunit iniutos sa kanya ni Jesus: “Tumahimik ka’t lumabas sa kanya.” 26 Matinding niyugyog ng espiritu ang taong iyon at pagkasigaw nang malakas ay saka lumabas.

27 Talagang takang-taka ang lahat at nag-usap-usap sila: “Ano ito? Isang ba­gong pagtuturo na may kapang­ya­rihan! Inuutusan niya kahit maru­ruming espi­ritu at sinusunod nila siya.” 28 At luma­ganap ang katanyagan niya saan man sa buong lupain ng Galilea.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

No comments: