Mabuting
Balita: Marcos 1:14-20
14 Pagkadakip kay Juan, pumunta si Jesus sa Galilea. Doon niya
ipinahayag ang magandang balita ng Diyos sa pagsasabing 15 “Sumapit na
ang panahon; magbagong-buhay at maniwala sa magandang balita; lumapit na nga
ang Kaharian ng Langit.”
16 Sa pagdaan ni Jesus sa pampang ng lawa ng Galilea, nakita niya
si Simon kasama si Andres na kapatid niya na naghahagis ng mga lambat sa lawa;
mga mangingisda sila. 17 Sinabi sa kanila ni Jesus: “Halikayo, sumunod
kayo sa akin at gagawin ko kayong mangingisda ng tao.” 18 Agad nilang
iniwan ang kanilang mga lambat at sumunod sa kanya.
19 Nagpatuloy pa siya nang kaunti, nakita naman niya ang magkapatid
na Jaime at Juan na mga anak ni Zebedeo; nasa bangka sila at nagsusursi ng kanilang
lambat. 20 Tinawag sila ni Jesus. Agad nilang iniwan sa bangka ang
kanilang amang si Zebedeo kasama ang mga tauhan nito, at umalis silang kasunod
niya.
Ang Mabuting
Balita ng Panginoon.
No comments:
Post a Comment