22 Pagkatapos nito, pumunta si Jesus at ang kanyang mga alagad sa
lupain ng Judea, at tumigil siya roong kasama nila at nagbinyag. 23 Nagbibinyag
din noon si Juan sa Ainon na malapit sa Salim dahil maraming tubig doon, at may
mga nagsisidating at nagpapabinyag. 24 Hindi pa nabibilanggo noon si
Juan.
25 At nagkaroon ng pagtatalo ang mga alagad ni Juan at ang isang
Judio tungkol sa paghuhugas. 26 Pinuntahan nila si Juan at sinabi sa
kanya: “Rabbi, ang kasa-kasama mo sa ibayo ng Jordan, na pinatunayan mo, nagbibinyag
siya ngayon at sa kanya pumupunta ang lahat.” 27 Sumagot si Juan: “Walang
anumang makukuha ang isang tao malibang ibigay ito sa kanya ng Langit.
28 Kayo mismo ang makapagpapatunay na sinabi kong ‘Hindi ako ang
Mesiyas kundi sinugo akong manguna sa kanya.’ 29 Sa nobyo ang nobya.
Naroon naman ang abay ng nobyo para makinig sa kanya at galak na galak siya sa
tinig ng nobyo. Ganito ring lubos and aking kagalakan. 30 Dapat siyang
humigit at ako nama’y lumiit.”
Ang Mabuting
Balita ng Panginoon.
No comments:
Post a Comment