Mabuting
Balita: Lucas 5:12-16
12 Nang nasa isang bayan si Jesus, may isang taong tadtad ng ketong
doon. Nang makita niya si Jesus, nagpatirapa siya at nakiusap sa kanya: “Ginoo,
kung gusto mo, mapalilinis mo ako.”
13 Kaya iniunat ni Jesus ang kanyang kamay at hinipo siya at
sinabi: “Gusto ko, luminis ka!” Nang oras ding iyo’y iniwan ng ketong ang
lalaki. 14 Iniutos sa kanya ni Jesus: “Huwag mo itong sabihin kanino
man kundi pumunta ka sa pari para masuri ka niya at maialay alang-alang sa iyo
ang handog na iniutos ni Moises para magkaroon sila ng patunay.”
15 Ngunit lalo namang kumalat ang balita tungkol sa kanya at
pumunta sa kanya ang maraming tao para makinig at mapagaling sa kanilang mga
karamdaman. 16Kaya madalas na mag-isang pumupunta si Jesus sa mga ilang na lugar
para manalangin.
Ang Mabuting
Balita ng Panginoon.
No comments:
Post a Comment