Friday, December 20, 2019

Ang Mabuting Balita para sa Linggo December 22, Ikaapat na Linggo ng Adbiyento: Mateo 1:18-24


Mabuting Balita: Mateo 1:18-24
18 Ganito ipinanganak si Jesucristo. Ipinag­kasundo na kay Jose ang kanyang inang si Maria pero bago sila nagsama bilang mag-asawa, nagdadalantao na siya gawa ng Espiritu Santo. 19 Kaya binalak ni Jose na hiwalayan nang lihim ang kanyang asawa. Matuwid nga siya at ayaw niya itong mapahiya.

20 Habang iniisip-isip niya ito, napa­kita sa kanya sa panaginip ang Anghel ng Panginoon at sinabi: “Jose, anak ni David, huwag kang matakot na tang­ga­pin si Maria bilang iyong asawa. Gawa ng Espi­ritu Santo kaya siya naglihi, 21 at ma­nga­nganak siya ng isang sanggol na lalaki, na panga­ngalanan mong Jesus sapagkat siya ang magliligtas sa kanyang samba­yanan mula sa kanilang mga kasa­lanan.”

22 Nangyari ang lahat ng ito para matu­pad ang sinabi ng Panginoon sa pamama­gitan ng Propeta: 23 “Maglilihi ang birhen at magsisilang ng isang sanggol na lalaki at tatawagin nila siyang Emmanuel na ibig sabihi’y Nasa-atin-ang-Diyos.” 24 Ka­ya pagka­gising ni Jose, ginawa niya ang sinabi ng Anghel ng Panginoon at tinang­gap niya ang kanyang asawa.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

No comments: