Mabuting Balita: Mateo 11:2-11
2 Nang nasa kulungan si Juan Bautista,
nabalitaan niya ang mga ginagawa ni Kristo kaya pinapunta niya ang kanyang mga
alagad 3 para tanungin siya: “Ikaw ba ang darating o dapat bang maghintay
pa kami ng iba?”
4 Sumagot si Jesus sa kanila: “Bumalik
kayo at ibalita kay Juan ang inyong narinig at nakita: 5 Nakakakita ang
mga bulag, nakakalakad ang mga pilay, lumilinis ang mga mayketong, nakakarinig
ang mga bingi, nagigising ang mga patay at may mabuting balitang ipinahahayag
sa mga dukha. 6 At mapalad ang
hindi natitisod dahil sa akin.”
7 Pagkaalis ng mga sugo ni Juan,
nagsimulang magsalita si Jesus sa mga tao tungkol kay Juan: “Ano ang
pinuntahan ninyo sa disyerto para makita? Isang kawayang hinahampas-hampas ng
hangin? 8 Ano ang pinuntahan ninyo? Isang lalaking magara ang bihis? Sa
mga palasyo nga nakatira ang mga taong magagara ang bihis.
9 Ano ba ang pinuntahan ninyo?
Isang propeta? Totoo. At sinasabi ko na higit pa siya sa isang propeta.
10 Siya ang binabanggit sa Kasulatan: Pinauna ko sa iyo ang aking
mensahero upang ihanda ang daan sa harap mo.
11 Talagang sinasabi ko sa inyo,
walang sinuman sa mga kilalang tao ngayon ang mas dakila pa kay Juang
tagapagbinyag, pero mas dakila sa kanya ang pinakamaliit sa kaharian ng Langit.
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
No comments:
Post a Comment